The difference between patients

[ While waiting for the doctor ]

  • Totoong Mayaman - Tahimik lang. Nakaupo, pasipol-sipol o kaya nagbabasa ng dyaryo. Nagpapasalamat after ng consultation.
  • Umaastang mayaman - Late sa appointment. Haggard pagdating. Kinukulit ang receptionist, text ng text, kunyaring may kausap na driver sa cellphone,  uma-attitude, tinatarayan ang nurses pag late si doktor, hindi naglalagay ng birthday sa form para hindi malaman ang edad, nagmamadali umalis kesyo may ibang appointment, nage-elevator kahit 2nd floor lang, gustong pinagbubuksan ng pinto, hindi nagpapa-appointment.

Yan ako araw-araw sa POI. Observe-observe lang sa mga patient kung paano sila magre-react sa mga sitwasyon. Nakakatawa lang kasi yung mga astang mayaman talaga mahahalata mo. Eh yung mga Zobel de Ayala at iba pang mararangyang katauhan ng bansang ‘to (yes patients namin ang karamihan sa kanila), walang pakelam kahit late yung doktor siguro dahil sila ang may-ari ng kumpanya, walang magagalit kung hindi na sila makakabalik sa office. Iba kasi talaga. 

Bilang isang nurse, madalas ako ang napapagalitan ng mga pasyenteng hindi makapag-hintay at hindi nagkaroon ng masayang childhood. Minsan, sila na nga tong walang appointment, sila pa yung dadating kung kailan paalis na si doctor. Imbyerna! 

Pero mas nakakatuwa kapag nagpapasalamat ang mga taong napagserbisyuhan ko kahit sa maikling oras at konting effort lang. Kino-consider ko siya as humbling experience kasi alam ko na nagawa ko ng tama yung trabaho ko. 


  1. monkeymanwhore said: Same with restaurant customers. Hahaha.
  2. ellargasm posted this